(sindi ng yosi,…hithit..buga)
Daig ko pa ang nakadrugs
Wala na akong ibang maisip kundi ikaw
Langyang buhay to..puro nalang ikaw!
Hindi ba pwedeng ako din?
Nakita na naman kita
Kasama sya..
Kung pwede ko lang kayong pasabuging dalawa
matagal ko ng ginagawa
Ewan ko ba kung nananadya ka
O talagang ganyan kasama ang ugali mo
Alam mo namang mahal parin kita
Kung makapanakit ka ng damdamin ...sagad hanggang buto
(salin ng alak..tungga)
Alam mo minsan..gusto na kita ipakulam
Isumpa, ipapatay, iparape…
Kung tutuusin kulang pa nga yon
Kahit tuklapin isa isa ang balat mo
Saka sasabuyan ng suka o kalamansi
Hindi parin mapapantayan ang sakit na nararamdaman ko ngayon
(salin sa baso, tungga)
Punyetang pagmamahal to!(sinok)
Kung kelan hulog na hulog na ang loob ko sayo
Saka mo naman ako iniwan sa ere…
Gago ka talaga…(sinok)
(hithit ng yosi..buga..salin ng alak..tungga)
(katahimikan……………………………)
Saturday, September 12, 2009
Pagtampisaw sa ulan
Nung bata ako..gustong gusto kong maligo sa ulan..iba kasi ang sayang hinahatid ng pagtatampisaw sa ulan..isa pa sa nga gusto ko ay makasama kong maligo ang mga kalaro ko..para kaming mga ibon na nakawala sa hawla..takbo dito..takbo doon…mga mumunting halakhakan na nagpapahiwatig ng kaligayahan sa mga mumunting anghel na naglalaro sa ilalim ng ulan. . .ang sarap balik balikan ang pagkabata..lalo na ang pagtatampisaw sa ulan…ang kaligayahang hatid nito ang nagpapasarap sa mga araw na iyon… walang problemang iniisip..ang mahalaga ay ang mga sandaling pumapatak ang ulan. .. natapos ang araw na iyon sa buhay ko..pero nag iwan ito ng isang magandang alaala..naranasan kong maging Malaya..maging masaya… hindi na ko bata..pero hanggang ngayon.. pinapawi nito ang kalungkutan ko…subalit hindi na ito katulad ng dati…wala na ang mga kaibigan ko na kasama kong naglalaro sa ulan..binago na lahat ng panahon…ang tao..pati narin ang pagkakataon…
KABIT..
Kapag sinabi mong kabit..anu ang unang papasok sa utak mo?... malamang negatibo agad ang naiisip mo sa kanila..mga naninira ng buhay ng may buhay..kontrabida..epal sa eksena..magnanakaw..nakikihati..mukhang pera..blah..blah..blah…ang pagiging kabit ay hindi lang nangyayari sa pag-agaw ng asawa ng may asawa..lahat ng bagay na inaari mo kahit pagmamay-ari na ito ng iba..pangangabit ang tawag dun…o di kaya..pagnanakaw..meron akong kaibigan.may boypren sya..at ang boypren nya ay may gelpren pang iba..in short..dalawa sila..yung isa hindi nya alam na may iba yung lalaki..at “sya”(ung kaibigan ko) yung ibang un..samantalang yung kaibigan ko,simula palang..alam na nyang may gelpren na si Greg..ayun..(labo noh?)..minsan dinalaw ko sya sa pinagtratrabahuan nyang grocery store..unang beses ko palang gumawi sa lugar nila..napag alaman ko na dun din nagtratrabaho ung boypren nya at yung gelpren ng boypren nya(kamot sa ulo…) ayon ang gulo ng buhay nila…….pero nakita ko sa mga mata ng kaibigan ko kung gaano nya kamahal si Greg..ako ang nasasaktan para sa kanya habang nakikita naming may kasamang iba ang boypren nya..nakita ko ang pag-iwas ng tingin nya..sinabi ko sa kanya kung pano sya nakakatiis ng ganun....sabi nya ”ok lang, mamayang gabi..ako naman ang kasama nya.. pagkatapos ngumiti sya ng mapait..sinabi din nya na bago nya pinasok ang sitwasyong yon, pinaghandaan na nya itong maigi…sabi nya masasanay din sya ng ganun..sabi ko naman..meron bang taong sanay ng masaktan? Anu sya masokista?...pero hindi ko naman sya masisisi eh..tinamaan talaga sya..oo..may kasalanan sya..pero sinunod lang naman nya ang puso nya…hindi naman sa umaayon ako sa pagiging kabit nya..minsan kasi tayo..pag nalaman nating isang kabit si ganito..o si ganun..ang sama agad ng tingin natin sa kanila..hinuhusgaan natin ang buong pagkatao nila..hindi na sila nabibigyan ng pagkakataon para magpaliwanag ng sarili nila..pero sa kabilang banda…sila ang labis na nasasaktan..dahil simula palang..alam nila na hindi nila pagmamay ari at hinding hindi magiging kanila ang taong minahal nila ng lubusan..kaya nakukuntento nalang sila sa kakarampot na pagtingin na natatanggap nila tapos,,sila pa ang lumalabas na masama sa tingin ng ibang tao...hindi nila sinasadya na sa maling tao sila nagmahal...hindi din nila ginusto na makihati lamang..sinu ba naman satin ang may gusto na may kahati sa pagmamahal ng isang tao..diba wala?..pero dahil sa ganung sitwasyon sila napunta..kahit kakarampot na espasyo sa puso ng taong mahal nila ..ay solb na sila…ang pagmamahal naman kasi..pag dumating hindi mo na kayang pigilan..kahit sinong Poncio Pilato pa yun..kung mahuhulog ka sa kanya..wala kang magagawa…minsan kasi nasa sa iyo na yun..kung kaya mong magsakripisyo para sa taong yun kahit masaktan ka pa ay ayos lang.. walang karapatan ang ibang tao na pakialaman ang buhay mo..wala silang magagawa kahit anu pa mang gusto mong gawin..buhay mo yan..kaw ang may control dyan..pero sa usapang pag ibig..mahirap kontrolin ang puso…kung sa kanya tumibok..kahit ilang milyong babae pa ang nasa buhay nito..wala kang magagawa..mahal mo na kasi sya..at hindi ka na makakatakas dun…nasayo ang desisyon kung pipiliin mong maging tama..o maging mali pero masaya..kahit tanghalin kapang “Pambansang Kabit”..basta sa huli..siguraduhin mong panalo ka..alam mo naman siguro ang pagkakaiba ng pagiging tanga at pagiging masaya..walang masayang tanga…baliw lang ang mga taong yun.. pero wag mo lang kakalimutan na tao ka rin..napapagod..nasasaktan..alam mo kung kelan ka magpapatuloy..at kung kelan ka susuko..ikaw naman ang may hawak ng buhay mo e..kung pipiliin mong maging kabit..go!..walang pakialamanan..basta siguraduhin mo sa huli na buo ka parin..mahirap ng mawasak..hanggang sa magkapirapiraso ang buhay mo..pagdating nun..mahirap ng bumuo ulit ng bagong ikaw….it’s a matter of choice ..sabi nga nila…..
PAG-ALALA..
Ang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang..nasa tabi pa kita..malaya ko pang nakikita ang mga mata mo, Malaya ka pang nahahawakan ng mga kamay ko. Parang kahapon lang nung makasama kita. Hindi ko akalain na mawawala ka. .At heto na naman ako. Walang katapusang pag alala sayo.. Nangako ka kasi. .Sabi mo hindi mo ko iiwan. Sabi mo mananatili ka sa tabi ko ng matagal..yung matagal na matagal..yung tipong andyan ka lang kahit san ako tumingin. .kung ako lang masusunod, ayaw na kitang pakawalan..dito ka na lang sa tabi ko..hindi ako mababagot..hindi ako mapapagod. .hindi ako magrereklamo..kahit ilang beses mo pa akong barahin..kahit ilang beses mo pa akong asarin..kahit maubos ang luha ko dahil sa panunukso mo sakin..basta andyan ka lang..pagkatapos nun..aalukin mo ko ng kendi..ng lollipop na parang bata..tapos tatahan na ako sa pag iyak..sana lagi nalang akong mahalaga sayo..na para bang ako ang pinakamahalagang tao sa mundo kahit mukhang basura ang buhay ko..gusto kong maramdaman ulit ang pag aalaga mo..ang mga yakap mo na nagpapawala ng mga lungkot ko… alam kong hindi ko na ulit mararanasan ang pagpapahalagang pinaramdam mo sakin noon.. sana hindi ko nalang naranasan na maging importante sayo kung iiwan mo din naman pala ako pagkatapos..isa na lamang ako sa mga taong nakapaligid sa mundo mo at wala ng iba pa…isang taong walang halaga at hindi mo na kayang pag ukulan pa ng kahit konting panahon man lamang..sa dinami dami ng nga ala alang iniwan mo sakin..wala ka ng nadala kahit isa..kasabay ng pagtalikod mo, ay siya ring paglimot mo sakin..na para bang walang nangyari..na para bang hindi mo ko nakilala..samantalang ako..heto..nagungulila sayo..kung meron mang isang bagay na pwede kong hilingin..iyon ay makasama kitang muli..na parang dati..kahit isang araw lang…o kahit isang oras..isang minuto..o isang segundo maranasan ko lang ulit maging mahalaga sayo… kuntento na ako.. napakabilis ng mga pangyayari..hindi ko na kayang habulin pa..hindi ko narin kayang ibalik pa…wala ka na..at alam kong hindi kana babalik pa…
Friday, September 11, 2009
sino ako
hindi ko alam kung panu ko ididescribe ang sarili ko. wala naman kasi akong kakaibang katangian na nakakaagaw ng pansin. isa lang ako sa mga taong ang role lang ay mag exist sa mundo at wala ng iba. hindi ako katulad ni Rizal na itinadhana ng maging bayani simula't sapul nung pinanganak sya. hindi ko kayang mamatay o magsakripisyo para sa bayan katulad nya. hindi din ako katulad ni darna, na kayang maglitas at makipaglaban sa mga monsters. wala akong kayang gawin kung hindi manahimik sa tabi at magkaroon ng sariling mundo..oo..sariling mundo na tanging ako lang ang lalamanin. atleast magkakaintindihan kami ng sarili ko, hindi ko kailangan pang makipagpaligsahan para lang mapansin, hindi ko din kailangan ikumpara ang sarili ko sa ibang tao kasi nga, ako lang ang laman ng mundong iyon. ayoko ng magulong mundo. ginawa ko ang blog na ito para matupad yon...atleast..ang isip ko lang ang nag iingay..madami akong gustong ikwento at ibahagi kaso walang nakikinig sakin,,,walang nakakaintindi..at ngayon..gagawa ako ng sarili kong mundo sa pamamagitan nito...hindi na masama hindi ba?atleast hindi na pader ang kausap ko..madami akong ikwekwento..tungkol sa buhay ko..sa buhay mo..sa buhay ng iba't ibang tao..wala akong pakialam kung makarelate ka o hindi..kung oo..e di magkakasundo tayo..simula sa araw na ito..magsisimula ang mundong ginawa ko...ang saya(buntonghininga..tpos ngiti..)
Subscribe to:
Posts (Atom)